Private schools may partylist?

Nangangamba ang isang partylist solon na magkaroon ng boses sa Kamara de Representante ang mga private schools dahil sa pagkakapanalo ng isa umanong “bogus” na marginalize group.

Inakusahan ni Alliance of Volunteer Educators Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay ang partylist na A Teacher na hindi umano kumakatawan sa mga guro.

Nauna ng nghain ng disqualification case sa Commission on Elections si Magsaysay laban sa A Teacher, na isa sa partylist groups na makakakuha ng dalawang silya sa Kamara.

Dagdag pa ni Magsaysay ang isa umanong nominee ng A Teacher ay si Mariano Piamonte, ang executive director ng Catholic Educators Association of the Philippines na dumidipensa umano sa interes ng pribadong eskuwelahan nang magkaroon ng hearing ang House committee on basic education.

ni Leifbilly Begas, p. 12 BANDERA, June 26, 2007

2 comments:

Anonymous said...

nakakadismaya pag may partylist na na for tuition fee increase.pano naman kaming mga mag-aaral?

Anonymous said...

hehe,naisahan ang ave partylist. huli na ng malaman nila. kaya dapat tayong mga magaaral mag matyag at magmasid kung anong kabalastugan ang ginagawa ng A Teacher Partylist sa kongreso. Sayang naman kayo, AVE Partylist. Binoto ko pa naman kayo. may pagasa pa bang manalo kayo?