Kalidad ng edukasyon, pinangangambahang lalong bumaba

Nangangamba ang isang kongresista na maaaring bumaba lalo ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan makaraang mapaulat ang paglipana ng mga “bopols” na public school teachers na sinasabing walang kakayahang magturo sa kanilang mga estudyante.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Alliance of Volunteer Educators (AVE) Party-List Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay na posibleng lalong lumala ang problema ng mababang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong eskuwelahan kung hindi mareresolba ang naturang problema.

Sinabi ni Magsaysay na kasalukuyang problema umano ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan ng mga kuwalipikado at mahuhusay na guro upang magturo sa mga public schools bunsod ng pangingibang bansa ng magagaling na guro.

Binigyang diin ng Party List solon na ang pag-aabroad ng mga magagaling na titsers sa mga pampublikong eskuwelahan ay bunsod na rin ng napaka-babang pasahod na ibinibigay sa kanila ng gobyerno kung kaya’t ilan sa kanila ang napipilitang mangibang bansa.

ni Mar Rodriguez, p.1-2 BALITA, Hunyo 25, 2007

No comments: