Kongreso pasok na sa PSBA

Pakikialaman na rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang usapin ng treasure hunting sa compound ng Philippine School of Business Administration (PSBA) sa lungsod Quezon upang tuluyang matapos na ang pangamba na posibleng bumagsak ito at masiguro ang kaligtasan ng may 7,000 estudyante at faculty nito.

Ito ang nabatid ng Abante kung saan nagpahayag na umano ng kahandaang tumulong sa nasabing usapin kung ipapasara o hindi ang PSBA na nasa panulukan ng Aurora Blvd. at Katipunan sa nasabing lungsod si Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay, ng Alliance of Volunteer Educators (AVE).

Layunin umano ng pagpasok ng nasabing party-list group na malutas na ang agam-agam ng mga mag-aaral ng nasabing eskuwelahan maging ng mga magulang ng mga ito na hindi na ligtas ang 5-palapag na gusali ng nasabing eskuwelahan.

Sinabi ni Konsehal Dante de Guzman ng nagparating na ng kahandaan ang AVE party list na dalhin na ang usapin sa Kongreso matapos na ibasura ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte ang rekomendasyon ng Sanggguniang Panglungsod ang pansamantalang pagpapasara sa PSBA upang makapagsagawa ng occular inspection sa compound nito.