PORNO CARTOONS NASA CABLE TV

Binanatan ni Alliance of Volunteer Educators Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay ang pasulpot - sulpot na pagpapalabas sa cable channels ng mga “hentai,” o porno cartoons.

Nananawagan si Magsaysay sa Movie Television Review and Classification Board na tutukan ang mga cable channels upang hindi makapagpalabas ng malalaswang animé.

“This is very disturbing. Apparent, the authorities are missing out on protecting our youth since this cartoon have made their way to the viewing public. They are seen as cartoon flicks, fully animated with vivid colors, so it’s not surprising that the youth gets easily attracted and eventually get addicted to them,” ani Magsaysay.

Sinabi ni Magsaysay na may natatanggap siyang balita na ilan sa mga illustrators ng hentai movies ay mga Pilipino. Ilan Pilipino rin umano ang siyang boses sa likod ng mga porno cartoons.

“What is more bothering is the fact that these animations are being made right in our own backyard,” ani Magsaysay.

Hinamon ni Magsaysay ang Animation Council of the Philippines, Inc., na linisin ang kanilang hanay at alamin kung sino ang gumagawa ng mga hentai animes.

Ang hentai ay salitang Hapon na ang orihinal na kahulugan ay “abnormality,” na ginagamit din sa panghalili sa salitang “pervert” at cartoon films na may sexual orientation.

Bukod dito, hinamon din ni Magsaysay ang mga pulis na paigtingin ang paghuli sa mga vendor ng pirated copies ng mga pelikula partikular ang mga nagbebenta ng XXX films.