NCAE SUPORTADO NG 2 SOLONS

Sinuportahan nina Bacolod City Cong. Monico Puentevella at Alliance of Volunteer Educators Cong. Eulogio Magsaysay ang muling pagkakabukas ng National Career Assessment Examination (NCAE) na dating National College Entrance Examination (NCEE) bilang pagsubok sa mga estudyante kung ang mga ito ay kuwalipikado sa kolehiyo.

Inaasahan ding mabibigayan nang sapat na ayuda ng Kagawaran ng Edukasyon para lalo pang maging mahusay ang mga estudyante sa lahat ng subjects particular na sa Mathematics at English.

Magkaiba rin ang ibig sabihin ng dalawang pagsusulit. Ang NCAE ay walang babagsak sa pagkuha ng eksaminasyon samantalang ang NCEE, kapag hindi nakapasa ang kumuhang estudyante, ay hindi makakakuha ng kahit ano'ng kursong pang-apat na taon.

Sa kasalukuyan, mahigpit sa 13,000 mga estudyante ang kumuha ng eksaminasyon.

Ayon sa DepEd, umaabot na sa 1.8 milyong estudyante ang magtatapos ng high school sa taong ito sa buong bansa, subalit iilan lang umano ang makapagpapatuloy sa kolehiyo.