JOPAY SUPORTADO ANG AVE PARTY-LIST...

SUSUPORTAHAN ni Jopay Paguia ang adhikain ng AVE partylist o tinatawag na Alliance of Volunteer Educators. Layunin ng AVE ang iangat ang antas ng edukasyon sa Pilipinas at pati na ang kapakanan ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang eskuwelahan at pati ng mga guro.

Naniniwala ang AVE na sa pagbibigay ng mabuting edukasyon sa mga kabataan ang siyang magdadala sa bansa sa maunlad na kinabukasan.

Bunga ng sariling karanasan sa pinanggalingang public school mula elementary at high school kaya na-inspire si Jopay na tumulong sa pangangampanya para mailagay sa Kongreso ang AVE partylist.

Sa kuwento ni Jopay, maraming mga batang gaya niya ang gustong mag-aral, kapos lang sa aklat at pasilidad na dapat gamitin sa loob ng paaralan. “Na-experienced ko na kasi na kahit gusto naming magbasa ng libro, hindi available ‘yung libro. Kung meron man, hindi naman sapat sa mga estudyante.

“Kaya ang nangyayari, ipinapa-xerox pa namin ‘yung libro. Nagkakagastos pa kami ng P50 sa pagsi-xerox ng libro na dapat sana ay baon na lang sa school.
“Kahit ‘yung mga pinsan ko na nag-aral sa public school ganundin,” eks-plika ni Jopay.

Naranasan din ni Jopay at ng kanyang mga kaklase at mga kamag-anak ang kakulangan sa pondo para magkaroon ng karagda-gang upuan at iba pang pa-ngangailangan para magkaroon ng mas maayos na silid-aralan.

“Yung ibang classrooms ay may bagong upuan na may bakal. ‘Yung iba, wala pa.

“Saka, madalas kaming mga estudyante ang nagku-contribute para lang magkaroon ng pambili ng pintura at kahoy para sa classroom.

“Yung guro namin, sila pa ‘yung bumibili ng ilaw at kung anu-ano pa para lang maging maayos yung classroom namin,” patuloy ni Jopay.

Walang reklamo si Jopay sa pamamalakad sa mga paaralan, partikular na sa kanyang pinanggalingang schools. Alam niyang maging ang mga ito ay gumagawa ng paraan para lang magkaroon sila ng maayos na pasilidad at amenities.

Bilib si Jopay sa kanyang mga naging guro na kahit kokonti na ang sinasahod ay nagbibigay ng kontribusyon sa kanilang mag-aaral para lang maitawid ang kanilang klase sa pang-araw-araw.

Ilan sa mga rason kung bakit pumayag siyang iendorso ang AVE partylist ay dahil layunin nitong pagbutihin ang kalidad ng edukasyon sa bansa, iayos ang kapakanan ng mga mag-aaral at pati na sahod ng mga guro.

Bagamat, ingat ang Sex-bomb girls na ma-involve sa pulitika, hindi nagdalawang-isip ang manager niyang si Joy Cancio na tanggapin ang AVE partylist dahil sa makabayang layunin nito.

Isa sa plans ni Jopay ay ipagpatuloy ang kanyang pag-aral sa high school at nais niyang sa pagtungtong niyang muli sa paaralan, makita niya ang pagbabagong ninanais niyang maranasan sa pagkuha ng edukasyon.

BOLUNTARYONG SERBISYO NG GURO

Hindi maikubli na habang nalalapit ang halalan, lalong umiigting ang mga panukala tungkol sa boluntaryong pagseserbisyo ng mga guro bilang workforce sa mga presinto. Kaakibat nito ang pagkatig ng iba’t ibang sektor mula sa gobyerno at maging sa pribadong grupo sa nasabing panukala na naglalayong magkaroon ng limitasyon ang partisipasyon ng guro sa pagdaraos ng eleksiyon.

Hindi ito nangangahulugan na ang mga guro ay nanghihinawa na sa pagtupad ng isang matapat at makabayang tungkulin. Katunayan, maraming pagkakataon nang napatunayan ang kanilang kaangkupan sa maselang gawaing ito na malimit na nagbubunga ng isang malinis, maayos at kapani-paniwalang halalan.

Kaugnay nito, nais lamang ni Congressman Eulogio “Amang” R. Magsaysay ng Alliance of Volunteer Educators (AVE) na ang mga guro ay makapag-ukol din ng kanilang gintong panahon sa higit na mahalagang misyon tulad ng pagtuturo at paghubog sa murang isipan ng kabataan upang sila ay lumaking matalino at maging responsableng mamamayan. At ito ay maisasakatuparan lamang kung gagawing boluntaryo at hindi sapilitan ang paglilingkod ng mga guro sa panahon ng halalan.

Ang mungkahing ito ng AVE partylist ay kinatigan naman ni Secretary Jesli Lapus ng Department of Education (DepEd) na maliwanag na nakadarama ng dagdag na bigat ng pananagutang pampolitika ng mga guro. Bukod dito, binigyan-diin ng Kalihim na hindi nga dapat obligahin ang mga guro na magserbisyo sa polling places lalo na kung isasaalang-alang ang mga nakaambang panganib sa kanilang buhay. Bilang isang dating guro na naatasan ding tumulong sa halalan, alam ko na hindi miminsang nalalagay sa peligro ang kaligtasan ng mga guro lalo na sa itinuturing na political hot spots.

Maging sina Dr. Teresita Arriola at Dr. Eric Habijan, mga lider ng Public Elementary School Principals (PESPA), ay nagpahayag din ng gayong paninindigan; kapwa sila naniniwala na ang mga guro ay dapat lamang bigyan ng maliit na partisipasyon sa eleksiyon upang sila ay hindi madamay sa mga katiwaliang pampolitika na kagagawan ng mga politiko na ganid sa kapangyarihan. May pagkakataon, sa kasamaang-palad, na ang ilan sa mga guro ay napatatangay sa ganitong alingasngas sa mga kadahilanang hindi mahirap unawain.

Tila naiiba naman ang pananaw ni Dr. Arnul Empleo ng National Association of Public Secondary School Heads sapagkat ang kanyang pagkatig sa mungkahi ng AVE ay nakaangkla sa Omnibus Election Code. Iniuutos ng nasabing batas na isang legal mandate sa mga guro sa mga paaralang pambayan ang magserbisyo tuwing halalan. Dahil dito, dapat lamang pag-aralan ang naturang batas upang matiyak kung makatuwiran ang boluntaryong poll duties ng mga guro.

Kung magkakagayon, dapat lamang tiyakin ng gobyerno na maihanda kaagad ang pondo para sa allowance ng mga guro; sa gayon, hindi na mamumuti ang kanilang mga mata sa sa paghihintay ng dagdag na biyaya na sadyang inilaan para sa kanila. Dagdag pa rito, sila ay dapat din pagkalooban ng pamahalaan ng dagdag na insurance coverage, kabilang ang security personnel na itinatalaga sa kanila bilang paghahanda sa hindi mapigilang paglubha ng karahasang pampolitika.

Anoman ang maging resulta na pagtimbang sa naturang panukala ni Congressman Magsaysay, ang boluntaryong pagseserbisyo ng mga guro sa halalan ay isang epektibong hakbang upang sila ay unti-unting mailayo sa masalimuot na politiko. Tulad ng mga sundalo at pulis na pinagbawalang makisawsaw sa pilitika upang maituon ang kanilang pansin sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan, ang mga guro ay marapat ding mag-ukol ng mahalagang oras sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon.
(By Celo Lagmay, "Balita", p6, 05/06/07)

PATAKARAN NG GSIS SA TEACHERS, KINONDENA NG AVE PARTY-LIST

Nanawagan ang Alliance of Volunteer Educators (AVE) Partylist pamahalaan na ipasara na lamang ang Government Service Insurance System (GSIS) kung hindi matutugunan ang pangangailangan ng mga guro.

Iginiit ni AVE Partylist Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay na dumarami ang mga reklamong dumarating sa kanyang tanggapan ukol sa mala-pagong na pagkilos ng mga kawani ng GSIS sa kanilang mga benepisyo.

“Ipinagmamalaki ng naturang tanggapan ang diumano ay makabago at mabilis na serbisyo. Ngunit ang masakit na katotohanan, ang makabagong paraan ng paghahatid ng serbisyo lalong-lalo na sa mahigit na 500,000 guro at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ay isa nang malamig na sabaw kung makarating man,” sinabi pa ni Magsaysay.

Naunang inireklamo ni Ka Arnul Empleo, pangulo ng National Association of Public Secondary School Heads, Incorporated (NAPSSHI), ang patuloy na pagbulusok at pagkawala ng tiwala ng mga guro sa pampublikong paaralang sekondarya sa GSIS.

Nakakalungkot, aniya, na ang matagal na inaasahang sandigan ng mga guro sa panahon ng pangangailangan sa pananalapi ay hindi na maaasahan.

Sinabi rin ni Dr. Erik Habijan, bagong halal na pangulo ng Philippine Elementary School Principals Association (PESPA), na kailangan ang maigting at malawakang pagsisikap sa panig ng GSIS upang maibalik nito ang tiwala ng mga guro sa ahensiya.

Kinuwestiyon ni Magsaysay ang mandato ng GSIS sa bisa ng Commonwealth Act No. 186 na tiyakin ang pangangailangan sa pananalapi ng mga kagawad nito sa panahon ng kanilang pagtanda at mabigyan ng kapayapaan ng isip ang mga retirado sampu ng kanilang pamilya.

Ngunit para sa kanya, nakalulungkot na ang patakaran ng GSIS sa isang uugod-ugod at bahagya nang makahakbang na retirado o nagkasakit na kagawad o guro ay puwersahang papupuntahin sa kanilang tanggapan para lang sa isang lagda at tinatawag pa ng GSIS na ’malasakit at serbisyo’ ang malupit na patakarang ito.

“Kung tunay na may puso ang mga opisyal ng GSIS bakit hindi nila nararamdaman ang kahulugan ng mga salitang ‘kung hindi maabot ng lupa ang langit, ang langit ay bababa alang-alang sa pag-ibig.' Iyong walang utang ay sinisingil kalakip pa nito ang iba’t ibang mga karagdagan bayarin at tubo," ani Magsaysay.” Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo, akmang-akma ang kasabihang ito sa paglilingkod na ibinabahagi ng GSIS sa matatapat nitong miyembro.”

(By Mary Ann Santiago, "Balita", p4, 05/04/07)

AVE URGES EDUCATION INSTITUTIONS TO PRODUCE SKILLED WORKERS IN LOCAL JOB MARKETS

The Alliance of Volunteer Educators party-list organization urged colleges and universities to produce graduates fit for the growing demands for skilled workers in the local job markets so that the alarming job mismatch in the country could be addressed.

AVE party-list Rep. Eulogio “Amang” R. Magsaysay said that the higher education institutions can take an active part in addressing the job mismatch by seeing to it that their educational programs are effective in preparing students that enroll their schools who will become future job seekers.


(By Rainier Allan Ronda, "The Philippine Star" pA-24, Saturday, April 28, 2007)

AVE video....

part I



part II

POLL DUTY SA TEACHERS DAPAT BOLUNTARYO — AVE Party-List

DAPAT bang obligahing tumupad sa poll duty ang mga guro? Sa ganang akin, ito’y dapat gawing boluntaryo lamang. Iyan din ang opinion ni Alliance of Volunteer Educators (AVE) party-list Rep. Eulogio ‘‘Amang’’ Magsaysay na kinatigan mismo ni Education Secretary Jesli Lapus. Pero iyan ang itinatadhana ng Omnibus Election Code kaya hangga’t hindi narerebisa ang batas, obligado ang mga guro sa poll duty.

Katig din ang buong sector ng edukasyon sa pahayag ni Magsaysay. Ito ay isang panukalang noon pang nakaraang taon isinulong ng AVE party-list at paborableng inendorso ni Lapus. Tinuran ni Lapus ang nakaambang panganib na kakaharapin ng mga guro lalu na sa mga tinatawag na political hotspots. Tuwing may eleksyon, laging may napapahamak na gurong tumutupad sa poll duty. Sa kakarampot na allowance sa mga teachers, delikado pa ang buhay nila.

Natatandaan ko na ang panukala ni Magsaysay ay ang implementasyon ng poll automation at paglilibre sa gawaing pang-eleksyon ng mga guro. Tama. Bakit ba oobligahin ang guro sa ganyang gawain gayung ang tungkulin nila ay magturo? Kaya dapat pakinggan ng pamahalaan ang panukala ni Amang Magsaysay.

Binawasan na ang tungkulin sa eleksyon ng mga sundalo. Kaya ramdam ng mga guro na agrabyado na naman sila kumpara sa mga sundalo. Iyan mismo ang hinagpis ni Dr. Teresita Arriola, pinuno ng Public Elementary School Principals (PESPA). Kasi, bukod sa panganib sa buhay ng mga nasa poll duty, nagiging vulnerable pa sa iregularidad ang mga guro lalu pa’t iisiping kapos ang kanilang sahod.

Kahit ang National Association of Public Secondary School Heads Inc. (NAPSSHI) ay sumuporta sa opinion ni Magsaysay, Ngunit naririyan pa rin ang Omnibus Election Code, isang batas na nag-oobliga sa mga guro na mag-duty sa panahon ng eleksyon.

Ipinapanukala ni Dr. Arnul Empleo, namumuno sa NAPSHI na agad nang I-release ang allowance ng mga guro at kung maaari ay bigyan ng insurance coverage sa harap ng malaking panganib na posibleng harapin nila sa poll duty.

(AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedroche, "Ang Pilipino STAR Ngayon" 04/25/2007)

AVE PARTY-LIST PINURI NG SEKTOR NG EDUKASYON

Habang palapit ng palapit ang local na eleksyon sa Mayo 14 at puspusan naman ang paghahanda ng Komisyon ng halalan upang mairaos ito ng maayos at malinis, parami naman ng parami ang mga tagamasid sa sektor ng edukasyon ang pumupuri sa ginawang panukala ng party-list na Alliance of Volunteer Educators (AVE) sa pamumuno ni Congressman Eulogio “Amang” R. Magsaysay na dapat ay boluntaryo lamang at hindi obligado ang pagserbisyo sa eleksyon ng ating mga guro.

Ang panukalang ito, na iminungkahi ng AVE party-list nuon pang nakaraang taon, ay sinang-ayunan naman kamakailan ni Kalihim Jesli Lapus ng Kagawaran ng Edukasyon nang ipagdiinan niya na naniniwala siyang “hindi nga dapat obligahin ang mga guro na tumao sa mga polling places dahil sa mga nakaambang mga panganib sa kanilang buhay at katauhan lalo na sa mga lugar na sinasabing political hot spots.”

Sa naunang panukala ng AVE ay sinabi ni Magsaysay na dapat nang ipatupad ang poll automation ng eleksyon at ang paglilibre na sa mga guro sa trabahong pang-eleksyon.

Panahon na nga, anang kinatawan ng AVE party-list, na gawing boluntaryo at hindi mandatory ang pagganap ng tungkulin ng mga guro sa panahon ng eleksyon.

Ang pangunahing tungkulin ng mga guro ayon kay Magsaysay ay ang pagtuturo at paghubog sa murang kaisipan ng kabataan upang sila nga’y lumaking mga matalino at maging responsableng mamamayan ng bansa.

Tinuran ni Magsaysay na kamakailan, ang mga sundalo ng AFP ay nilimitahan na lamang ang gawain sa eleksyon.

Ayon naman kay Dr. Teresita Arriola, pinuno ng Public Elementary School Principals (PESPA) na agrabyado nga naman ang mga guro kumpara sa mga sundalo ng AFP na binigyan na lamang ng maliit na partisipasyon sa panahon ng eleksyon para hindi na sila magamit pa sa anumang iregularidad.

Kadalasan naman kasing nalalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng ilan nating mga guro sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa tuwing eleksyon.

Nagpahayag ng suporta ang National Association of Public Secondary School Heads (NAPSSHI) sa pamumuno ni Dr. Arnul Empleo, sa sinabi ni Magsaysay na dahil sa Omnibus Election Code, isang legal na mandato ng mga public school teachers ang magseserbisyo tuwing eleksyon kaya nararapat na raw na pag-aralan kung ito ba ay dapat nang maging boluntaryo na lamang.

Dapat din, ani Dr. Empleo, na agarang ilabas ang pondo para sa allowance ng mga guro dahil napakaliit na nga naman ng sweldo ng mga ito at minsan ay hindi na kasya sa kani-kanilang pamilya. Dapat sigurong bigyan ng dagdag na insurance coverage ang mga ito bukod pa sa mga security personnel na ibinibigay sa kanila.