PAMAMARAAN NG PAGPAPATAAS SA KALIDAD NG EDUKASYON SA PILIPINAS

“Ang malusog na katawan ay may malusog na kaisipan.”

Ito ang paniniwalang binitbit ni Alliance of Volunteer Educators (AVE) Partylist Representative Dr. Eulogio “Amang” Magsaysay hanggang sa Kongreso noong 2004.

Taong 2000 nang mabuo sa kaisipan ng kongresista ang AVE upang makatulong sa nagaganap na krisis pang-intelektuwal noong 1997 kaalinsabay ng unti-unting paghina ng ekonomiya sa Asya.

Pangunahing layunin ng pagtatag sa AVE ang maisulong ang kapalaran ng mga mag-aaral, kaguruan, magulang at mayorya ng populasyon kung saan ang mga panahong iyon ay hindi mapigilan ang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

“Nasaksihan ko ang kaawa-awang kalagayan ng mga mag-aaral sa pampublikong kolehiyo na hindi man lamang makabili ng textbook na nagkakahalaga ng P120 at kailangan pang maipa-xerox ito kumpara sa mga mag-aaral sa US na ginugugulan ng gobyerno,’ sabi ni Magsaysay. “Ang mga silid-aklatan doon ay bukas hanggang alas 3:00 ng umaga para lamang mapagbigyan ang mga estudyante.”

TULONG PARA SA MGA GURO

Nahahabag din si Magsaysay sa kalagayan ng may 2,376 public school teachers na may taglay na tuberculosis o TB bungad ng kawalan ng maayos na silid-aralan at nag-uumapaw na bilang ng mga hinahawakang estudyante.

Ang mababang sahod ng kaguruan na nasa P9,939 ang pangunahing dahilan kung bakit marami rin sa kanila ang hindi makapagpa-aral ng anak dahil ayon sa report ng National Economic and Development Authority (NEDA) ay mangangailangan ng P17,000 na sahod bawat buwan upang makapamuhay ng maayos.

Nakapaloob sa panukala ni Magsaysay na maitaas ng P6,000 ang sahod ng mga kaguruan upang dumami pa ang bilang na magnanais magturo sa mga pampublikong paaralan na kapos sa may 16,390 na guro.

Dahil dito, naisipan ni Magsaysay na kailangan lumahok ang AVE sa eleksyon upang magkaroon ng representasyon ang hanay ng mga guro sa gobyerno. “Noong 2001 ay isang kaibigang mambabatas ang nakapagsabi sa akin na walang kinatawan ang Alliance of Volunteer Educators sa Kongreso hindi katulad ng ibang sector na may representasyon doon,’ ayon kay Magsaysay. “Noong una ay nagdadalawang isip ang grupo dahil ang samahan ay isang non-government organization (NGO) at hindi isang partido political.”

DUGONG POLITIKAL

Si Magsaysay ay parehong may dugong politika na nananalaytay sa kaniyang ugat dahil naging aktibo sa politika ang mga magulang nito. Siya ay pangalawang anak ni dating Senator Genaro Magsaysay ng Castillejos, Zambales at Adelaida “Baby” Canoy Rodriguez ng Rodriguez, Rizal, na anak ni dating Senate President Eulogio “Amang” Rodriguez.

Natapos ng kongresista ang kanilang Political Science degree sa University of Southern California (USC) kung saan nagtapos siyang magna cum laude. Tinapos din ni Magsaysay ang kaniyang masteral degree sa economics at doctorate in philosophy in political economy sa USC.

Pagkatapos ng kaniyang PhD noong 1992 ay nagtrabaho ang mambabatas bilang economic analyst at corporate secretary at senior mortgage loan officer sa dalawang magkahiwalay na bangko sa Los Angeles, California.

Sa loob ng tatlong taon sa 13th Congress ay nakapaghain ang kongresista ng 14 na panukalang batas kabilang ang pagsusulong sa sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan at may kapansanan (SPED).

KAWANGGAWA

Bukod sa mga panukalang batas ukol sa pagpapataas sa sahod ng mga kaguruan ay itinatag ang AVE sa tulong ng Congressional Spouses Foundation, Inc. and “Haven for Children” sa Muntinlupa City na ang layunin ay mabigyan ng tahanan ay rehabilitasyon ang mga batang kalalakihan.

Bukod dito ay ipinatayo rin ng AVE ang Gimme Shelter sa Ermita, Manila upang matulungan at pansamantalang may matuluyan ang mga pamilyang walang tahanan.

MAUNLAD NA KINABUKASAN

Umaasa si Magsaysay na sa malao’t madali ay matutupad din ang kanilang pangarap para sa kinabukasan ng mga kabataang Pilipino. Ayon sa kongresista, “Sa pagtutulungan at pagsasama-sama ay tiyak na mararating din ng Pilipinas ang maunlad na kinabukasan para sa mga darating na henerasyon.” (By Meloi Maluntag, Pinas, p9)

EDUKASYON, HUWAG IPAGWALANG-BAHALA

Nang makapasa si Many “Pacman” Pacquiao sa Accreditation Equivalency (A & E) test ng Department of Education (DepEd), nalantad ang dalawang naghuhumindig na katotohanan: Pagkauhaw sa karunungan at pagpapaunlad sa edukasayon sa bansa. Ang kambal na hangaring ito ay totoong hindi dapat ipagwalang-bahala ng sinoman at mismong gobyerno sa pamamagitan ng DepEd, na ang pangunahing misyon ay linangin ang edukasyon na itinuturing na mabigyan ng armas laban sa kahirapan at kamangmangan.

Lingid sa kabatiran ng marami, si Pacquiao na ating dinadakila bilang People’s Champ, ay kumuha ng A & E test kamakailan sa Ireneo Santiago High School sa General Santos City. Ngayon, siya ay isang nang bona fide high school graduate at maaari nang tumuklas ng mga mataas ng edukasyon sa kolehiyo.

Masasalamin dito na ang sikat at pinakamayamang boksingero sa bansa ay hindi kailanman tinabangan sa pag-aaral, isang pagkakataon na sandaling ipinagkait sa kanya dahil sa kanilang karalitaan. At bunga nito, siya ay hinirang ng DepEd bilang Special Ambassador for Alternative Learning System at People’s Champ for Education.

Walang alinlangan na ang pagkakapasa ni Pacquiao sa naturang pagsusulit – isang programa tungkol sa pagtuturo sa mga estudyante kahit na sila ay nasa tahanan – ay isang inspiration sa mga kabataan lalo na sa milyon-milyong out-of-school youth na hindi nakapag-aral dahil sa karalitaan.

Sa kabilang dako, ang pagkauhaw ni Pacquiao sa karunungan ay marapat lamang na lalong paigtingin sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng edukasyon. Hindi maililihim na ang pinakamalaking problema ng lipunan ay kung paanong mabibigyan ng magandang edukasyon ang mga kabataan kahit na matindi ang krisis na kinakaharap ng bansa.

At tulad ng laging binigyang-din ng Alliance of Volunteer Educators (AVE) ang party-list na pinamumunuan ni Rep. Eulogio “Amang” R. Magsaysay, ang edukasyon ang isa sa mga sector ng mga lipunan na hindi mabibigyan-pansin dahil sa kakulangan sa pondo, walang sapat na gugulin para sa kailangang mga aklat, silid-aralan at iba pang mahahalagang pasilidad.

Gayunman, inaasahan ni Magsaysay na sa taong ito, ang DepEd ay maglalaan ng mas malaking pondo para sa mga programang pang-edukasyon upang ang sector na ito ay tuluyang makabangon sa naghihirap nitong situwasyon. Kung sa bagay, ang AVE partylist ay laging nagsisikag upang maisulong ang programa tungkol sa karunungan. Katunayan, napagkalooban ng scholarship ang mga mag-aaral sa 112 colleges at state universities sa buong bansa dahil sa pondong mula sa congressional fund ng mga kongresista.

Kaakibat nito, sinisikap din ng AVE partylist na pataasin ang suweldo ng mga guro sa pamamagitan ng House Bill No. 1189. Sa gayon, sila – lalo na ang mga elementary school teachers – ay hindi na mangingibang bansa upang mamasukan bilang mga domestic helpers sa Hongkong, Thailnad, Italis, Saudi Arabia at iba pang mauunlad na bansa. Mananatili na lamang sila rito upang ipagpatuloy ang kanilang misyon sa paggabay at paghubog sa murang isipan ng mga kabataan: isang tungkulin na magiging daan sa pag-unlad ng edukasyon sa bansa.

Sa makatuwid, ang misyong ito ni Magsaysay tungkol sa pagsulong ng edukasyon – sampu ng mabuting resulta ng pagkauhaw ni Pacquiao sa karunungan – ay kailangan tambalan ng gobyerno ng mas maigting na pagsisikap upang ganap na maglaho ang problema sa kamangmangan at karalitaan.
(By Celo Lagmay, "Opinion" BALITA, Pebrero 24, 2007, p.6)

AVE in ACTION..

Ang Malusog na Katawan ay may Malusog na Kaisipan




Si AVE Party-List Cong. Eulogio "Amang" R. Magsaysay ay naniniwala na ang kalusugan ng mga mamamayan ay mahalaga sa pagtataguyod ng isang matatag na republika kaya naman buong bansa ang pagkakaloob ng AVE ng mga medical mission kung saan pangunahing target nito ang mga kabataan.



Suporta at Pag-aaruga sa mga Batang Mahirap


Buo ang pagsuporta ng AVE Party-List at ni Cong. Eulogio "Amang" R. Magsaysay sa pag-aaral at sa araw-araw na pangangailangan ng mga batang ulila, napabayaan, at kapus palad, tulad ng mga bata ng Children's Joy Foundation na may kakaibang talento sa pag-awit at pagrorondalla.


HENTAI PORNOGRAPHY

Nagpahayag ng pagkabahala at galit si Alliance of Volunteer Educators (AVE) Party-list Representative Eulogio “Amang” R. Magsaysay sa paglaganap ng tinatawag na “hentai” o cartoon pornography sa bansa na ngayon ay popular sa mga teenagers o kabataan.

“Habang nagiging abala ang lahat sa nalalapit na eleksyon, ang ating mga kabataan ay nalululong sa mga animes (Japanese cartoons); na nagbabalatkayo bilang simple at hindi nakakasakit gawa ng malikhaing isip, pero ito ay sumisira na sa kamalayan ng mga batang mapagsaliksik,” sinabi ni Magsaysay.

Ang hentai ay nangangahulugan ng ‘abnormality’ na kakabit ng salitang ‘pervert’. Sa mga bansa sa Asya tulad ng Pilipinas, ang hentai ay cartoons na mayroong oryentasyong sekswal.

“Ito ay nakakabahala ayon kay Magsaysay na nagsabing “Apparently, the authorities are missing out on protecting our youth since these cartoons have made their way to the viewing public. They are seen as cartoons flicks, fully animated with vivid colors, so it’s not surprising that the youth gets easily attracted and eventually gets addicted to them.”

Ang hentai cartoons ay makikita at mabibili sa ilang pamilihan at napakadaling makuha sa internet. May report din na ang ilan hentai ay rito na mismo ginagawa.

Kasabay nito, nananawagan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na resolbahin ang problemang ito. “Hindi dapat payagan ang mga profit-minded na tao na sirain ang moral ng mga bata at dapat magkaroon ng istrikto at mahigpit na regulasyon upang pigilin ito. Nanawagan din si Magsaysay sa Animation Council of the Philippines Inc. (ACPI) na bantayan ang kanilang hanay at siguraduhing ang mga miyembro nila ay hindi nakikibahagi sa paggawa ng hentai. (By Guerrero, “Hardliner” Abante Tonite, February 10, 2007, p.4)

SEX CARTOON LUMALAGANAP

Kapag sinabing cartoon o anime, ang naiisip nati’y palabas na pambata. Pero may lumalaganap ngayon sa internet na cartoon nga pero malaswa. Iyan ang kinalolokohan ng mga teen-agers ngayon.

Ang tawag diyan ay “hentai anime cartons” na produksyon ng bansang Japan. Pumalag dito kamakailan si Alliance of Volunteer Educators (AVE) party-list Rep. Amang Magsaysay. Bilang kinatawan ng education sector, sinabi niya na dapat kumilos ang pamahalaan upang mapigil ang pagpasok sa bansa ng mga pelikulang ito. Alam niyo naman na malamang kumalat pati mga pirated copies ng mga pelikulang iyan.

Nanawagan si Magsaysay sa MTRCB at Optical Media Board na magsanib ng lakas para mahadlangan ang pagpasok sa bansa ng mga malalaswang panooring ito. Ang problema kasi ay ang prodyuser ng mga panoooring iyan. Alam nilang maglilimas sila ng limpak-limpak na pera sa kanilang bagong kalakal. Pero ang nakataya ay ang pagkawasak ng moralidad lalo na ng mga kabataan.

May katuwiran si Magsaysay. Bilang kinatawan ng education sector, obligasyon niya na pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan na balita ko’y patuloy na nahahaling sa “bagong usong” ito na lumalaganap sa maraming bansa sa Asia.

Lalung nakababahala na may mga Pilipino artists diumano na kasangkot sa paggawa ng mga animation na ito. Tapos, may mga Pinoy na voice talents na naglalapat ng boses at salita sa mga cartoon na ito.

Nanawagan din si Magsaysay sa Animation Council of the Philippines, Inc. (ACPI) na tanuran ang sariling hanay nito para mahadlangan ang partisipasyon ng mga Pilipino sa ganitong karumaldumal na kalaswaan. ( By Al G. Pedroche, “Aldabis,” PM Pang-Masa February 07, 2007, p.5)

MTRCB BINATIKOS SA CARTOON PORNO

Binatikos ng isang partylist solon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), upang pakilusin nang maprotektahan ang mga kabataan laban sa mararahas at malalaswang anime o cartoon na kung tawagin ay ‘hentai’.

Nalaman kay Alliance of Volunteer Educators (AVE) Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay na karamihan sa cartoon na ipinalalabas particular sa cable channel ay hindi naaangkop sa mga kabataan.

Wala aniyang naidudulot na magandang aral ang nasabing mga panoorin sa mga kabataan at sa halip ay nagbibigay ang mga ito ng masamang mensahe tungkol sa karanasan at sekso.

Hindi aniya dapat balewalain ng gobyerno ang nasabing isyu dahil lamang sa pagiging abala ng lahat sa nalalapit na eleksiyon.

Nangangamba ang mambabatas na mahumaling nang husto ang mga kabataan sa mararahas at malalaswang anime, dahil hindi pa kayang unawain ng mga paslit ang ganitong uri ng mga panoorin.

Bagama’t wala pang sapat na pag-aaral, naniniwala si Magsaysay na ang mararahas at malalaswang panoorin ang isa sa mga dahilan kung bakit nasasangkot sa krimen ang mga bata tulad ng panghahalay sa katulad nilang paslit. ("Pambansa" Pinas, p.2)

CARTOON BAN SOUGHT

Decrying the negative impact of the so-called hentai anime cartoons on the moral upbringing and education of the young, the partylist group Alliance of Volunteer Educators (AVE), in a statement, yesterday asked authorities to censor, if not ban, the production of what they said were pornographic video materials. ("Roundup" Philippine Daily Inquirer, February 6, 2007, p.A14)