DAPAT I-DISKUWALIPIKA A-TEACHER PARTY-LIST, ANTI-PEOPLE!

DESIDIDO ang Alliance of Volunteer Educators (AVE Party-list) na harangin ang proklamasyon ng A-Teacher dahil sa paglabag nito sa itinatadhana ng paglikha sa Party-list.

Ito ay matapos maghain ng isang 14-pahinang petisyon sa Commission on Elections ang AVE Party-list na humihiling na i-diskuwalipika ang mga nominado ng A-Teacher dahil sa tinatawag na “conflict of interest”.

Sa pinagsamang petisyon na inihain nina AVE Party-list Rep. Eulogio “Amang” R. Magsaysay, Dr. Arnulfo Empleo, Senior Consultant at Spokesperson ng partido at Presidente ng National Association of Public Secondary High Schools, Inc. (NAPSHI) at dating Board Member ng Professional Teachers sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC), Atty. Domingo B. Alidon, Presidente ng DepEd National Employees Union at Chairman of the Board ng DepEd Central Employees Union at ni Mr. Ronald Nicolas, Vice-President ng DepEd Financial Management Personnel Association, binigyang diin ng mga petitioners na binalahura at sinalaula ng A-Teacher ang tunay na diwa ng Party-list system sa bansa.

Ayon kay Ka Arnul, kailangang madiskuwalipika ang mga nominado ng A-Teacher dahil hindi naman ito maituturing na representasyon ng mga tinatawag na “less fortunate” sektor dahil ito ay kinabibilangan ng mga may-ari kung hindi man mga opisyal ng mga pribadong paaralan sa bansa.

“Kahit kailan ay hindi maituturing na marginalized ang mga administrador ng mga pribadong paaralan at Catholic schools. Hindi marginalized group ang kanilang nire-representa sa Kongreso,” ayon pa rink ay Ka Arnul.

“Sa tingin ba ninyo, kung ang A-Teacher ay magkaroon ng representasyon sa kongreso, bababa ba o tataas ang tuition fee?” mariing tanong nito.

Matatandaang ang unang nominado ng A-Teacher na si Mariano Piamonte ay dating Executive Director at dating Presidente ng Catholic Educators Association of the Philippines (CEAP) at siyang nangungunang tagapagtaguyod ng tuition fee increase sa tuwing magsasagawa ng pagpupulong sa Committee on Higher and Technical Education sa Kamara.

Iginiit pa ng AVE ang nangyaring pagkakasuspinde ng CMO 14 ukol sa pag-reregulate ng tuition fee sa bansa. Ayon dito, itinaon na naka-recess ang Kongreso kaya kaduda-dudang nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga pribadong paaralan at ng CHED.

Sinabi rin ni Ka Arnul na maraming kaguruan at edukador sa bansa ang napaniwalang kakatawanin ng A-Teacher Partylist ang mga guro ngunit taliwas anila ito nang malantad ang tunay na mukha ng mga nominado.

Sa naturang petisyon, hiniling din ng AVE na kanselahin ang rehistrasyon ng A-Teacher sa Comelec at tuluyan na itong madiskuwalipika.

Si Mariano Piamonte, ay napag-alaman rin Board Member ng University of Regina Carmeli, Malolos, Bulacan. Samantalang ang iba pa nitong nominees ay sila Ulpiano Sarmiento (2nd nominee) Corporate Secretary ng Miriam College Foundation, at Carolina Porio (3rd nominee) Executive Director ng Fund Assistance to Private Education (FAPE), kung saan tila lahat ng mga nominado ng naturang partylist ay sangkot sa “money making enterprise”.

(ni Meloi Maluntag,p.2 SAKSI sa balita, Hulyo 2, 2007)

Proklamasyon ng A-TEACHER, hinarang ng AVE Party-list


Haharangin ng Alliance of Volunteer Educators (AVE Party-list) ang proklamasyon ng A-Teacher dahil sa paglabag nito sa itinatadhana ng paglikha sa Party-list.

Ito ay matapos maghain ng isang 14-pahinang petisyon sa Commission on Elections ang AVE Party-list na humihiling na idiskuwalipika ang mga nominado ng A-Teacher dahil sa tinatawag na “conflict of interest”.

Sa pinagsamang petisyon na inihain nina AVE Party-list Rep. Eulogio “Amang” R. Magsaysay, Dr. Arnulfo Empleo, senior consultant at spokesperson ng partido at presidente ng National Association of Public Secondary High Schools, Inc. (NAPSHI) at dating Board Member ng Professional Teachers sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC), Atty. Domingo B. Alidon, Presidente ng DepEd National Employees Union at Chairman of the Board ng DepEd Central Employees Union, at ni Mr. Ronald Nicolas, Vice-President ng DepEd Financial Management Personnel Association , binigyan-diin nila na binalahura at sinalaula ng A-Teacher ang tunay na diwa ng Party-list system sa bansa.

Binigyang-diin ni Empleo na kailangang madiskuwalipika ang mga nominado ng A-Teacher dahil hindi naman ito maituturing na representasyon ng mga tinatawag na “less fortunate” sector dahil ito ay kinabibilangan ng mga may-ari kung hindi man mga opisyal ng mga pribadong paaralan sa bansa.

“Kahit kailan ay hindi maituturing na marginalized ang mga administrador ng mga pribadong paaralan at Catholic schools. Hindi marginalized group ang kanilang kinakatawan sa Kongreso,” ayon pa rin kay Empleo. “Sa tingin ba ninyo, kung ang A-Teacher ay magkaroon ng representasyon sa Kongreso, bababa ba o tataas ang tuition fee?”

Matatandaang ang unang nominado ng A-Teacher na si Mariano Piamonte ay dating Executive Director at dating Presidente ng Catholic Educators Association of the Philippines (CEAP) at siyang nangungunang tagapagtaguyod ng tuition fee increase sa tuwing magsasagawa ng pagpupulong sa Committee on Higher and Technical Education sa Kamara.

Binatikos ng AVE Party-list ang pagkakasuspinde ng CMO 14 ukol sa pagreregulate ng tuition fee sa bansa. Itinaon na naka-recess ang Kongreso kaya kaduda-dudang nagkaroon ng sabwatan ang mga pribadong paaralan at ang CHED.

Idiniin pa ni Empleo na maraming guro at edukador sa bansa ang napaniwalang kakatawanin ng A-Teacher Partylist ang mga guro ngunit taliwas ito nang malantad ang tunay na mukha ng mga nominado.

Sa naturang petisyon, hiniling din ng AVE na kanselahin ang rehistrasyon ng A-Teacher sa Comelec at tuluyan na itong idiskuwalipika.

Si Piamonte, ay napag-alaman ring Board Member ng University of Regina Carmeli, Malolos, Bulacan. Samantalang ang iba pa nitong nominees ay sila Uliano Sarmiento (2nd nominee), Corporate Secretary ng Miriam College Foundation, at Carolina Porio (3rd nominee) executive director ng Fund Assistance to Private Education (FAPE), kung saan tila lahat ng mga nominado ng naturang partylist ay sangkot sa “money making enterprise.”


p.2, BALITA, Hulyo 1, 2007

Party-list winners known today?

The Commission on Elections may proceed today with a partial proclamation of winners in the May 14 elections' party-list race, Comelec Chairman Benjamin Abalos said yesterday.

"We'll discuss up to what number we can proclaim," Abalos said in Filipino. "It doesn't take so much preparation to proclaim winning party-lists. We'll not proclaim the nominees, but their party-list (groups)."

Abalos said the Comelec might conduct a partial proclamation once 17 million votes have been canvassed.

"So far, close to 15 million (votes) have already been canvassed," he said. "We think it should be more than 16 million. To be very safe, we'll put it at 17 million."

Based on the latest tally of the Comelec dated June 15, party-list group Buhay Hayaan Yumabong topped the party-list race with 1.1 million votes, followed by Bayan Muna with over 945,000 votes.

Abalos said the Comelec will only proclaim party-list groups that garnered at least 340, 000 votes or two percent of the 17 million votes, as prescribed in the Party List Election Law.

Other groups that bagged two percent of the votes are the Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) with 744,000 votes; Gabriela Women's Party with 590,000 votes; Association of Philippine Electric Cooperatives with 510,000 votes; Advocacy for Teacher Empowerment Through Action, Cooperation and Harmony Towards Educational Reforms Inc. (A-Teacher) with 462,000 votes; Akbayan with 444,000 votes; Luzon farmers Party (Butil) with 404,000 votes; Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan (Batas) with 379,000 votes; and Cooperative-Natco Network party with 359,000 votes.

Abalos also dared party-list organizations to challenge before the Supreme Court and not with the Comelec the implementation of the so-called Panganiban formula in this election.

On April 13, the Supreme Court junked a petition by CIBAC seeing to implement the Comelec's so-called 2-4-6 formula in determining the seats that can be occupied by party-lists in the House of Representatives.

Instead, the SC opted to implement the Panganiban formula, named after former Chief Justice Artemio Panganiban, who penned the document. This states that only the topnotcher in the party-list polls is entitled to a maximum of three seats in the House.

Additional seats can be occupied by those who garner more than two percent of votes that they get.

Under the Comelec formula, on the other hand, a party-list group is entitled to one seat for every two percent of votes that they get.

Groups like the Batas and A-Teacher have filed petitions with the Comelec, questioning the Panganiban formula.

According to Abalos, the groups are barking up the wrong tree in bringing their concerns to the Comelec.

“They have to go to the Supreme Court. We cannot contradict the Supreme Court. Why us? It’s not our formula - that’s why it’s called ‘Panganiban formula.’ The decisions of the Supreme Court are considered the ‘laws of the land’ and we are just implementing them,” Abalos said.

Meanwhile, party-list Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay of the Alliance of Volunteer Educators (AVE) representing teachers, yesterday urged the Comelec to disqualify the A-Teacher party-list group because it will only serve the interests of private schools.


By Sheila Crisostomo and Delon Porcalla, p.6 The Philippine Star, June 26, 2007.

Comelec asked to junk another teachers' group

A TEACHERS’ group seeking congressional representation yesterday pushed for the disqualification of another teachers’ group from a similar legislative seat in the 14th Congress, accusing it of working not for the interests of a marginalized sector but for private and Catholic schools in the country.

The Alliance of Volunteer Educators (AVE), which was represented as a party-list group in the 13th Congress, said A Teacher, which was among the party-list organizations that could land a seat in the incoming legislature, is actually representing stockholders of private schools, majority of which are considered as the schools of the rich.

As proof, AVE Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay said the principal nominee of A TEACHER to represent the group is Catholic Educators Association of the Philippines Executive Director Mariano Piamonte who was “very vocal” in defending the increase in tuition fees by private schools during past congressional hearings.

“How can this group justify its existence as a representative of the marginalized sector when it was Mr. Piamonte who defended the tuition fee increases by private and Catholic schools?” according to Magsaysay.

“A Teacher cannot be considered as a true representative of a neglected sector of society like the teachers,” he said.

Magsaysay, who claimed that AVE garnered the needed votes to enable it to have congressional seat as a party-list group, said Congress should look deeper into the real objectives of A TEACHER in seeking congressional representation.

“It is not what a real party-list group should be because it represents a sector with other interests,” he said.

The lawmaker said a real party-list group should represent a neglected sector like teachers, farmers, drivers, fishermen and other groups that need “government attention.”

“The motives of A TEACHER in seeking congressional representation are questionable,’ he added.

by Raul S. Beltran, p.5 PEOPLE’S JOURNAL TONIGHT, June 26, 2007

Private schools may partylist?

Nangangamba ang isang partylist solon na magkaroon ng boses sa Kamara de Representante ang mga private schools dahil sa pagkakapanalo ng isa umanong “bogus” na marginalize group.

Inakusahan ni Alliance of Volunteer Educators Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay ang partylist na A Teacher na hindi umano kumakatawan sa mga guro.

Nauna ng nghain ng disqualification case sa Commission on Elections si Magsaysay laban sa A Teacher, na isa sa partylist groups na makakakuha ng dalawang silya sa Kamara.

Dagdag pa ni Magsaysay ang isa umanong nominee ng A Teacher ay si Mariano Piamonte, ang executive director ng Catholic Educators Association of the Philippines na dumidipensa umano sa interes ng pribadong eskuwelahan nang magkaroon ng hearing ang House committee on basic education.

ni Leifbilly Begas, p. 12 BANDERA, June 26, 2007

Kalidad ng edukasyon, pinangangambahang lalong bumaba

Nangangamba ang isang kongresista na maaaring bumaba lalo ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan makaraang mapaulat ang paglipana ng mga “bopols” na public school teachers na sinasabing walang kakayahang magturo sa kanilang mga estudyante.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Alliance of Volunteer Educators (AVE) Party-List Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay na posibleng lalong lumala ang problema ng mababang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong eskuwelahan kung hindi mareresolba ang naturang problema.

Sinabi ni Magsaysay na kasalukuyang problema umano ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan ng mga kuwalipikado at mahuhusay na guro upang magturo sa mga public schools bunsod ng pangingibang bansa ng magagaling na guro.

Binigyang diin ng Party List solon na ang pag-aabroad ng mga magagaling na titsers sa mga pampublikong eskuwelahan ay bunsod na rin ng napaka-babang pasahod na ibinibigay sa kanila ng gobyerno kung kaya’t ilan sa kanila ang napipilitang mangibang bansa.

ni Mar Rodriguez, p.1-2 BALITA, Hunyo 25, 2007

AVE partylist brings goodies to school

BORACAY - Recently, AVE Party List Cong. "Amang" R. Magsaysay and volunteers converged at the Manoc-Manoc Elementary School here and personally served warm breakfast to 1, 400 elementary and high school students, teachers and non-teachers personnel.
The activity was dubbed as "Lugawan para sa mga Kabataan". It was a source of joy for the participants and beneficiaries, and a moving experience for the team members and organizers.
AVE stands for Alliance of Volunteer Educators. The office of Cong. Magsaysay funded the formation of a team of volunteers to help the students as part of its community program called "Health Care for Children, Love the Teachers, Support the Education".
It is the priority of AVE and Cong. Magsaysay that every youth must acquire and enjoy the right to education.
This is the basic need that every child must achieve, Magsaysay said.
AVE's Magsaysay also distributed to the local children of Manoc-Manoc Elementary School basic school supplies and medicines, and four electric fans for high school.
Cong. Magsaysay advocates the program's ideals and provides the necessary support for the public school teachers, scholarship for the less fortunate students and medical missions.
Bam Luces, Panay News, June 18, 2007

Paggamit ng gov't fund para sa Speakership bid, ibinunyag

Iginiit kahapon ng isang kongresista kay Government Service Insurance System (GSIS) President at General Manager Winston Garcia na huwag magpagamit sa politika makaraang mapaulat na gagamitin umano nito ang pondo ng ahensiya para tustusan ang "speakership bid" ni Cebu Rep. Pablo Garcia sa papasok na 14th Congress.

Umaapela si Alliance of Volunteer Educators (AVE) Party List Rep. Eulogio "Amang" Magsaysay kay Garcia na huwag nang makialam sa nangyayaring "tug-of-war" sa Kamara de Representante para sa umiigting na agawan sa puwesto ng pagiging House Speaker nina Garcia at incumbent House Speaker Jose de Venecia.

Ang pahayag ni Magsaysay ay alinsunod sa ginawang paglalantad ng apat na kongresista na pinopondohan umano ni Garcia ang kandidatura ng Cebu solon para sa pagiging Speaker ng Kamara de Representante at ay inaalok ang bawat mambabatas ng tinatayang P300,000 hanggang P400,000 kapalit ng kanilang pagsuporta sa speakership bid ni Garcia.

Dahil dito, binigyang-diin ng Party List solon na kailangang ilayo ni Garcia ang kanyang sarili sa umiinit na politika sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang hindi na muling malagay ang kanyang sarili sa kontrobersiya tulad ng mga naunang kinasangkutan nito.

Ikinatuwiran ni Magsaysay na hindi dapat gamitin ang pondo ng GSIS para lamang isulong ang ambisyon ni Garcia para maging susunod na Speaker ng Kamara de Representante dahil ang pondo ng nasabing ahensiya ay eksklusibong pag-aari ng publiko.

Nanindigan naman si Rep. Bienvenido "Benny" Abante (Lakas, Manila) na ang napapabalitang paggamit ni Garcia sa pondo ay hindi naaakma para sa isang patas na laban sa "Speakership race" dahil walang kinalaman ang pondo ng GSIS sa labanan nina Garcia at De Venecia.
(ni Mar Rodriguez, Balita, June 12, 2007)

REKLAMO NG MGA EDUKADOR vs GSIS UMIGTING

Nanawagan kahapon ang Alliance of Volunteer Educators (AVE) Partylist sa mga edukador na may reklamo sa Government Service Insurance System (GSIS) na lumutang at maglabas ng kanilang mga dokumento.

Nais ni AVE Partylist Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay na gawing mas matatag ang naunang panawagan sa gobyerno na ipasara kung hindi man repasuhin ang mandato ng GSIS sa pamamagitan ng paghahain ng mas matitibay na ebidensya laban sa pagiging inutil ng naturang tanggapan.

Ito ay kaugnay sa mga naunang reklamo na natanggap ng AVE Partylist mula sa mga edukador ukol sa mabagal na serbisyo ng GSIS sa kanilang mga benepisyo bukod pa anila sa iilan lamang ang Union Bank na maaaring pagkuhanan ng pondo sa pamamagitan ng E-Card.

Matapos ang panawagan ng AVE Partylist na ipasara ang GSIS ay maraming edukador ang sumugod sa Mendiola upang iparamdam sa Malakanyang ang kanilang reklamo na anila’y inabot na ng pagreretiro.

Ang AVE Partylist ay magtatalaga ng isang lugar upang siyang tumanggap ng mga reklamo ng mga edukador upang magkaroon ng iisang pagkilos laban sa GSIS.

("Abante", p6, 05/11/07)

AVE video...

PART I





PART II



AVE HITS GSIS BANK DEAL...

Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay of the Alliance of Volunteer Educators (AVE) party-list group assailed the Government Service Insurance System (GSIS) for forgoing a contract with private bank to release the monthly pension of retired government workers.

Magsaysay, whose AVE party-list is running for re-election in the coming May 14 polls, said the retired teachers, particularly in the provinces, have complained of difficulty in withdrawing their pensions from Union Bank of the Philippines (UBP) that has few branches and automated teller machines (ATMs) in the country, especially in rural areas.

“Why was UBP selected by GSIS? Why did they not just let Land Bank of the Philippines handle the release of the pensions since Land Bank is also the one that issues the salaries of government workers?” Magsaysay asked.

By Rainier Allan Ronda, "The Philippine Star", pA-28, 05/09/2007)

JOPAY SUPORTADO ANG AVE PARTY-LIST...

SUSUPORTAHAN ni Jopay Paguia ang adhikain ng AVE partylist o tinatawag na Alliance of Volunteer Educators. Layunin ng AVE ang iangat ang antas ng edukasyon sa Pilipinas at pati na ang kapakanan ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang eskuwelahan at pati ng mga guro.

Naniniwala ang AVE na sa pagbibigay ng mabuting edukasyon sa mga kabataan ang siyang magdadala sa bansa sa maunlad na kinabukasan.

Bunga ng sariling karanasan sa pinanggalingang public school mula elementary at high school kaya na-inspire si Jopay na tumulong sa pangangampanya para mailagay sa Kongreso ang AVE partylist.

Sa kuwento ni Jopay, maraming mga batang gaya niya ang gustong mag-aral, kapos lang sa aklat at pasilidad na dapat gamitin sa loob ng paaralan. “Na-experienced ko na kasi na kahit gusto naming magbasa ng libro, hindi available ‘yung libro. Kung meron man, hindi naman sapat sa mga estudyante.

“Kaya ang nangyayari, ipinapa-xerox pa namin ‘yung libro. Nagkakagastos pa kami ng P50 sa pagsi-xerox ng libro na dapat sana ay baon na lang sa school.
“Kahit ‘yung mga pinsan ko na nag-aral sa public school ganundin,” eks-plika ni Jopay.

Naranasan din ni Jopay at ng kanyang mga kaklase at mga kamag-anak ang kakulangan sa pondo para magkaroon ng karagda-gang upuan at iba pang pa-ngangailangan para magkaroon ng mas maayos na silid-aralan.

“Yung ibang classrooms ay may bagong upuan na may bakal. ‘Yung iba, wala pa.

“Saka, madalas kaming mga estudyante ang nagku-contribute para lang magkaroon ng pambili ng pintura at kahoy para sa classroom.

“Yung guro namin, sila pa ‘yung bumibili ng ilaw at kung anu-ano pa para lang maging maayos yung classroom namin,” patuloy ni Jopay.

Walang reklamo si Jopay sa pamamalakad sa mga paaralan, partikular na sa kanyang pinanggalingang schools. Alam niyang maging ang mga ito ay gumagawa ng paraan para lang magkaroon sila ng maayos na pasilidad at amenities.

Bilib si Jopay sa kanyang mga naging guro na kahit kokonti na ang sinasahod ay nagbibigay ng kontribusyon sa kanilang mag-aaral para lang maitawid ang kanilang klase sa pang-araw-araw.

Ilan sa mga rason kung bakit pumayag siyang iendorso ang AVE partylist ay dahil layunin nitong pagbutihin ang kalidad ng edukasyon sa bansa, iayos ang kapakanan ng mga mag-aaral at pati na sahod ng mga guro.

Bagamat, ingat ang Sex-bomb girls na ma-involve sa pulitika, hindi nagdalawang-isip ang manager niyang si Joy Cancio na tanggapin ang AVE partylist dahil sa makabayang layunin nito.

Isa sa plans ni Jopay ay ipagpatuloy ang kanyang pag-aral sa high school at nais niyang sa pagtungtong niyang muli sa paaralan, makita niya ang pagbabagong ninanais niyang maranasan sa pagkuha ng edukasyon.

BOLUNTARYONG SERBISYO NG GURO

Hindi maikubli na habang nalalapit ang halalan, lalong umiigting ang mga panukala tungkol sa boluntaryong pagseserbisyo ng mga guro bilang workforce sa mga presinto. Kaakibat nito ang pagkatig ng iba’t ibang sektor mula sa gobyerno at maging sa pribadong grupo sa nasabing panukala na naglalayong magkaroon ng limitasyon ang partisipasyon ng guro sa pagdaraos ng eleksiyon.

Hindi ito nangangahulugan na ang mga guro ay nanghihinawa na sa pagtupad ng isang matapat at makabayang tungkulin. Katunayan, maraming pagkakataon nang napatunayan ang kanilang kaangkupan sa maselang gawaing ito na malimit na nagbubunga ng isang malinis, maayos at kapani-paniwalang halalan.

Kaugnay nito, nais lamang ni Congressman Eulogio “Amang” R. Magsaysay ng Alliance of Volunteer Educators (AVE) na ang mga guro ay makapag-ukol din ng kanilang gintong panahon sa higit na mahalagang misyon tulad ng pagtuturo at paghubog sa murang isipan ng kabataan upang sila ay lumaking matalino at maging responsableng mamamayan. At ito ay maisasakatuparan lamang kung gagawing boluntaryo at hindi sapilitan ang paglilingkod ng mga guro sa panahon ng halalan.

Ang mungkahing ito ng AVE partylist ay kinatigan naman ni Secretary Jesli Lapus ng Department of Education (DepEd) na maliwanag na nakadarama ng dagdag na bigat ng pananagutang pampolitika ng mga guro. Bukod dito, binigyan-diin ng Kalihim na hindi nga dapat obligahin ang mga guro na magserbisyo sa polling places lalo na kung isasaalang-alang ang mga nakaambang panganib sa kanilang buhay. Bilang isang dating guro na naatasan ding tumulong sa halalan, alam ko na hindi miminsang nalalagay sa peligro ang kaligtasan ng mga guro lalo na sa itinuturing na political hot spots.

Maging sina Dr. Teresita Arriola at Dr. Eric Habijan, mga lider ng Public Elementary School Principals (PESPA), ay nagpahayag din ng gayong paninindigan; kapwa sila naniniwala na ang mga guro ay dapat lamang bigyan ng maliit na partisipasyon sa eleksiyon upang sila ay hindi madamay sa mga katiwaliang pampolitika na kagagawan ng mga politiko na ganid sa kapangyarihan. May pagkakataon, sa kasamaang-palad, na ang ilan sa mga guro ay napatatangay sa ganitong alingasngas sa mga kadahilanang hindi mahirap unawain.

Tila naiiba naman ang pananaw ni Dr. Arnul Empleo ng National Association of Public Secondary School Heads sapagkat ang kanyang pagkatig sa mungkahi ng AVE ay nakaangkla sa Omnibus Election Code. Iniuutos ng nasabing batas na isang legal mandate sa mga guro sa mga paaralang pambayan ang magserbisyo tuwing halalan. Dahil dito, dapat lamang pag-aralan ang naturang batas upang matiyak kung makatuwiran ang boluntaryong poll duties ng mga guro.

Kung magkakagayon, dapat lamang tiyakin ng gobyerno na maihanda kaagad ang pondo para sa allowance ng mga guro; sa gayon, hindi na mamumuti ang kanilang mga mata sa sa paghihintay ng dagdag na biyaya na sadyang inilaan para sa kanila. Dagdag pa rito, sila ay dapat din pagkalooban ng pamahalaan ng dagdag na insurance coverage, kabilang ang security personnel na itinatalaga sa kanila bilang paghahanda sa hindi mapigilang paglubha ng karahasang pampolitika.

Anoman ang maging resulta na pagtimbang sa naturang panukala ni Congressman Magsaysay, ang boluntaryong pagseserbisyo ng mga guro sa halalan ay isang epektibong hakbang upang sila ay unti-unting mailayo sa masalimuot na politiko. Tulad ng mga sundalo at pulis na pinagbawalang makisawsaw sa pilitika upang maituon ang kanilang pansin sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan, ang mga guro ay marapat ding mag-ukol ng mahalagang oras sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon.
(By Celo Lagmay, "Balita", p6, 05/06/07)

PATAKARAN NG GSIS SA TEACHERS, KINONDENA NG AVE PARTY-LIST

Nanawagan ang Alliance of Volunteer Educators (AVE) Partylist pamahalaan na ipasara na lamang ang Government Service Insurance System (GSIS) kung hindi matutugunan ang pangangailangan ng mga guro.

Iginiit ni AVE Partylist Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay na dumarami ang mga reklamong dumarating sa kanyang tanggapan ukol sa mala-pagong na pagkilos ng mga kawani ng GSIS sa kanilang mga benepisyo.

“Ipinagmamalaki ng naturang tanggapan ang diumano ay makabago at mabilis na serbisyo. Ngunit ang masakit na katotohanan, ang makabagong paraan ng paghahatid ng serbisyo lalong-lalo na sa mahigit na 500,000 guro at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ay isa nang malamig na sabaw kung makarating man,” sinabi pa ni Magsaysay.

Naunang inireklamo ni Ka Arnul Empleo, pangulo ng National Association of Public Secondary School Heads, Incorporated (NAPSSHI), ang patuloy na pagbulusok at pagkawala ng tiwala ng mga guro sa pampublikong paaralang sekondarya sa GSIS.

Nakakalungkot, aniya, na ang matagal na inaasahang sandigan ng mga guro sa panahon ng pangangailangan sa pananalapi ay hindi na maaasahan.

Sinabi rin ni Dr. Erik Habijan, bagong halal na pangulo ng Philippine Elementary School Principals Association (PESPA), na kailangan ang maigting at malawakang pagsisikap sa panig ng GSIS upang maibalik nito ang tiwala ng mga guro sa ahensiya.

Kinuwestiyon ni Magsaysay ang mandato ng GSIS sa bisa ng Commonwealth Act No. 186 na tiyakin ang pangangailangan sa pananalapi ng mga kagawad nito sa panahon ng kanilang pagtanda at mabigyan ng kapayapaan ng isip ang mga retirado sampu ng kanilang pamilya.

Ngunit para sa kanya, nakalulungkot na ang patakaran ng GSIS sa isang uugod-ugod at bahagya nang makahakbang na retirado o nagkasakit na kagawad o guro ay puwersahang papupuntahin sa kanilang tanggapan para lang sa isang lagda at tinatawag pa ng GSIS na ’malasakit at serbisyo’ ang malupit na patakarang ito.

“Kung tunay na may puso ang mga opisyal ng GSIS bakit hindi nila nararamdaman ang kahulugan ng mga salitang ‘kung hindi maabot ng lupa ang langit, ang langit ay bababa alang-alang sa pag-ibig.' Iyong walang utang ay sinisingil kalakip pa nito ang iba’t ibang mga karagdagan bayarin at tubo," ani Magsaysay.” Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo, akmang-akma ang kasabihang ito sa paglilingkod na ibinabahagi ng GSIS sa matatapat nitong miyembro.”

(By Mary Ann Santiago, "Balita", p4, 05/04/07)

AVE URGES EDUCATION INSTITUTIONS TO PRODUCE SKILLED WORKERS IN LOCAL JOB MARKETS

The Alliance of Volunteer Educators party-list organization urged colleges and universities to produce graduates fit for the growing demands for skilled workers in the local job markets so that the alarming job mismatch in the country could be addressed.

AVE party-list Rep. Eulogio “Amang” R. Magsaysay said that the higher education institutions can take an active part in addressing the job mismatch by seeing to it that their educational programs are effective in preparing students that enroll their schools who will become future job seekers.


(By Rainier Allan Ronda, "The Philippine Star" pA-24, Saturday, April 28, 2007)

AVE video....

part I



part II

POLL DUTY SA TEACHERS DAPAT BOLUNTARYO — AVE Party-List

DAPAT bang obligahing tumupad sa poll duty ang mga guro? Sa ganang akin, ito’y dapat gawing boluntaryo lamang. Iyan din ang opinion ni Alliance of Volunteer Educators (AVE) party-list Rep. Eulogio ‘‘Amang’’ Magsaysay na kinatigan mismo ni Education Secretary Jesli Lapus. Pero iyan ang itinatadhana ng Omnibus Election Code kaya hangga’t hindi narerebisa ang batas, obligado ang mga guro sa poll duty.

Katig din ang buong sector ng edukasyon sa pahayag ni Magsaysay. Ito ay isang panukalang noon pang nakaraang taon isinulong ng AVE party-list at paborableng inendorso ni Lapus. Tinuran ni Lapus ang nakaambang panganib na kakaharapin ng mga guro lalu na sa mga tinatawag na political hotspots. Tuwing may eleksyon, laging may napapahamak na gurong tumutupad sa poll duty. Sa kakarampot na allowance sa mga teachers, delikado pa ang buhay nila.

Natatandaan ko na ang panukala ni Magsaysay ay ang implementasyon ng poll automation at paglilibre sa gawaing pang-eleksyon ng mga guro. Tama. Bakit ba oobligahin ang guro sa ganyang gawain gayung ang tungkulin nila ay magturo? Kaya dapat pakinggan ng pamahalaan ang panukala ni Amang Magsaysay.

Binawasan na ang tungkulin sa eleksyon ng mga sundalo. Kaya ramdam ng mga guro na agrabyado na naman sila kumpara sa mga sundalo. Iyan mismo ang hinagpis ni Dr. Teresita Arriola, pinuno ng Public Elementary School Principals (PESPA). Kasi, bukod sa panganib sa buhay ng mga nasa poll duty, nagiging vulnerable pa sa iregularidad ang mga guro lalu pa’t iisiping kapos ang kanilang sahod.

Kahit ang National Association of Public Secondary School Heads Inc. (NAPSSHI) ay sumuporta sa opinion ni Magsaysay, Ngunit naririyan pa rin ang Omnibus Election Code, isang batas na nag-oobliga sa mga guro na mag-duty sa panahon ng eleksyon.

Ipinapanukala ni Dr. Arnul Empleo, namumuno sa NAPSHI na agad nang I-release ang allowance ng mga guro at kung maaari ay bigyan ng insurance coverage sa harap ng malaking panganib na posibleng harapin nila sa poll duty.

(AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedroche, "Ang Pilipino STAR Ngayon" 04/25/2007)

AVE PARTY-LIST PINURI NG SEKTOR NG EDUKASYON

Habang palapit ng palapit ang local na eleksyon sa Mayo 14 at puspusan naman ang paghahanda ng Komisyon ng halalan upang mairaos ito ng maayos at malinis, parami naman ng parami ang mga tagamasid sa sektor ng edukasyon ang pumupuri sa ginawang panukala ng party-list na Alliance of Volunteer Educators (AVE) sa pamumuno ni Congressman Eulogio “Amang” R. Magsaysay na dapat ay boluntaryo lamang at hindi obligado ang pagserbisyo sa eleksyon ng ating mga guro.

Ang panukalang ito, na iminungkahi ng AVE party-list nuon pang nakaraang taon, ay sinang-ayunan naman kamakailan ni Kalihim Jesli Lapus ng Kagawaran ng Edukasyon nang ipagdiinan niya na naniniwala siyang “hindi nga dapat obligahin ang mga guro na tumao sa mga polling places dahil sa mga nakaambang mga panganib sa kanilang buhay at katauhan lalo na sa mga lugar na sinasabing political hot spots.”

Sa naunang panukala ng AVE ay sinabi ni Magsaysay na dapat nang ipatupad ang poll automation ng eleksyon at ang paglilibre na sa mga guro sa trabahong pang-eleksyon.

Panahon na nga, anang kinatawan ng AVE party-list, na gawing boluntaryo at hindi mandatory ang pagganap ng tungkulin ng mga guro sa panahon ng eleksyon.

Ang pangunahing tungkulin ng mga guro ayon kay Magsaysay ay ang pagtuturo at paghubog sa murang kaisipan ng kabataan upang sila nga’y lumaking mga matalino at maging responsableng mamamayan ng bansa.

Tinuran ni Magsaysay na kamakailan, ang mga sundalo ng AFP ay nilimitahan na lamang ang gawain sa eleksyon.

Ayon naman kay Dr. Teresita Arriola, pinuno ng Public Elementary School Principals (PESPA) na agrabyado nga naman ang mga guro kumpara sa mga sundalo ng AFP na binigyan na lamang ng maliit na partisipasyon sa panahon ng eleksyon para hindi na sila magamit pa sa anumang iregularidad.

Kadalasan naman kasing nalalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng ilan nating mga guro sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa tuwing eleksyon.

Nagpahayag ng suporta ang National Association of Public Secondary School Heads (NAPSSHI) sa pamumuno ni Dr. Arnul Empleo, sa sinabi ni Magsaysay na dahil sa Omnibus Election Code, isang legal na mandato ng mga public school teachers ang magseserbisyo tuwing eleksyon kaya nararapat na raw na pag-aralan kung ito ba ay dapat nang maging boluntaryo na lamang.

Dapat din, ani Dr. Empleo, na agarang ilabas ang pondo para sa allowance ng mga guro dahil napakaliit na nga naman ng sweldo ng mga ito at minsan ay hindi na kasya sa kani-kanilang pamilya. Dapat sigurong bigyan ng dagdag na insurance coverage ang mga ito bukod pa sa mga security personnel na ibinibigay sa kanila.

PAMAMARAAN NG PAGPAPATAAS SA KALIDAD NG EDUKASYON SA PILIPINAS

“Ang malusog na katawan ay may malusog na kaisipan.”

Ito ang paniniwalang binitbit ni Alliance of Volunteer Educators (AVE) Partylist Representative Dr. Eulogio “Amang” Magsaysay hanggang sa Kongreso noong 2004.

Taong 2000 nang mabuo sa kaisipan ng kongresista ang AVE upang makatulong sa nagaganap na krisis pang-intelektuwal noong 1997 kaalinsabay ng unti-unting paghina ng ekonomiya sa Asya.

Pangunahing layunin ng pagtatag sa AVE ang maisulong ang kapalaran ng mga mag-aaral, kaguruan, magulang at mayorya ng populasyon kung saan ang mga panahong iyon ay hindi mapigilan ang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

“Nasaksihan ko ang kaawa-awang kalagayan ng mga mag-aaral sa pampublikong kolehiyo na hindi man lamang makabili ng textbook na nagkakahalaga ng P120 at kailangan pang maipa-xerox ito kumpara sa mga mag-aaral sa US na ginugugulan ng gobyerno,’ sabi ni Magsaysay. “Ang mga silid-aklatan doon ay bukas hanggang alas 3:00 ng umaga para lamang mapagbigyan ang mga estudyante.”

TULONG PARA SA MGA GURO

Nahahabag din si Magsaysay sa kalagayan ng may 2,376 public school teachers na may taglay na tuberculosis o TB bungad ng kawalan ng maayos na silid-aralan at nag-uumapaw na bilang ng mga hinahawakang estudyante.

Ang mababang sahod ng kaguruan na nasa P9,939 ang pangunahing dahilan kung bakit marami rin sa kanila ang hindi makapagpa-aral ng anak dahil ayon sa report ng National Economic and Development Authority (NEDA) ay mangangailangan ng P17,000 na sahod bawat buwan upang makapamuhay ng maayos.

Nakapaloob sa panukala ni Magsaysay na maitaas ng P6,000 ang sahod ng mga kaguruan upang dumami pa ang bilang na magnanais magturo sa mga pampublikong paaralan na kapos sa may 16,390 na guro.

Dahil dito, naisipan ni Magsaysay na kailangan lumahok ang AVE sa eleksyon upang magkaroon ng representasyon ang hanay ng mga guro sa gobyerno. “Noong 2001 ay isang kaibigang mambabatas ang nakapagsabi sa akin na walang kinatawan ang Alliance of Volunteer Educators sa Kongreso hindi katulad ng ibang sector na may representasyon doon,’ ayon kay Magsaysay. “Noong una ay nagdadalawang isip ang grupo dahil ang samahan ay isang non-government organization (NGO) at hindi isang partido political.”

DUGONG POLITIKAL

Si Magsaysay ay parehong may dugong politika na nananalaytay sa kaniyang ugat dahil naging aktibo sa politika ang mga magulang nito. Siya ay pangalawang anak ni dating Senator Genaro Magsaysay ng Castillejos, Zambales at Adelaida “Baby” Canoy Rodriguez ng Rodriguez, Rizal, na anak ni dating Senate President Eulogio “Amang” Rodriguez.

Natapos ng kongresista ang kanilang Political Science degree sa University of Southern California (USC) kung saan nagtapos siyang magna cum laude. Tinapos din ni Magsaysay ang kaniyang masteral degree sa economics at doctorate in philosophy in political economy sa USC.

Pagkatapos ng kaniyang PhD noong 1992 ay nagtrabaho ang mambabatas bilang economic analyst at corporate secretary at senior mortgage loan officer sa dalawang magkahiwalay na bangko sa Los Angeles, California.

Sa loob ng tatlong taon sa 13th Congress ay nakapaghain ang kongresista ng 14 na panukalang batas kabilang ang pagsusulong sa sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan at may kapansanan (SPED).

KAWANGGAWA

Bukod sa mga panukalang batas ukol sa pagpapataas sa sahod ng mga kaguruan ay itinatag ang AVE sa tulong ng Congressional Spouses Foundation, Inc. and “Haven for Children” sa Muntinlupa City na ang layunin ay mabigyan ng tahanan ay rehabilitasyon ang mga batang kalalakihan.

Bukod dito ay ipinatayo rin ng AVE ang Gimme Shelter sa Ermita, Manila upang matulungan at pansamantalang may matuluyan ang mga pamilyang walang tahanan.

MAUNLAD NA KINABUKASAN

Umaasa si Magsaysay na sa malao’t madali ay matutupad din ang kanilang pangarap para sa kinabukasan ng mga kabataang Pilipino. Ayon sa kongresista, “Sa pagtutulungan at pagsasama-sama ay tiyak na mararating din ng Pilipinas ang maunlad na kinabukasan para sa mga darating na henerasyon.” (By Meloi Maluntag, Pinas, p9)

EDUKASYON, HUWAG IPAGWALANG-BAHALA

Nang makapasa si Many “Pacman” Pacquiao sa Accreditation Equivalency (A & E) test ng Department of Education (DepEd), nalantad ang dalawang naghuhumindig na katotohanan: Pagkauhaw sa karunungan at pagpapaunlad sa edukasayon sa bansa. Ang kambal na hangaring ito ay totoong hindi dapat ipagwalang-bahala ng sinoman at mismong gobyerno sa pamamagitan ng DepEd, na ang pangunahing misyon ay linangin ang edukasyon na itinuturing na mabigyan ng armas laban sa kahirapan at kamangmangan.

Lingid sa kabatiran ng marami, si Pacquiao na ating dinadakila bilang People’s Champ, ay kumuha ng A & E test kamakailan sa Ireneo Santiago High School sa General Santos City. Ngayon, siya ay isang nang bona fide high school graduate at maaari nang tumuklas ng mga mataas ng edukasyon sa kolehiyo.

Masasalamin dito na ang sikat at pinakamayamang boksingero sa bansa ay hindi kailanman tinabangan sa pag-aaral, isang pagkakataon na sandaling ipinagkait sa kanya dahil sa kanilang karalitaan. At bunga nito, siya ay hinirang ng DepEd bilang Special Ambassador for Alternative Learning System at People’s Champ for Education.

Walang alinlangan na ang pagkakapasa ni Pacquiao sa naturang pagsusulit – isang programa tungkol sa pagtuturo sa mga estudyante kahit na sila ay nasa tahanan – ay isang inspiration sa mga kabataan lalo na sa milyon-milyong out-of-school youth na hindi nakapag-aral dahil sa karalitaan.

Sa kabilang dako, ang pagkauhaw ni Pacquiao sa karunungan ay marapat lamang na lalong paigtingin sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng edukasyon. Hindi maililihim na ang pinakamalaking problema ng lipunan ay kung paanong mabibigyan ng magandang edukasyon ang mga kabataan kahit na matindi ang krisis na kinakaharap ng bansa.

At tulad ng laging binigyang-din ng Alliance of Volunteer Educators (AVE) ang party-list na pinamumunuan ni Rep. Eulogio “Amang” R. Magsaysay, ang edukasyon ang isa sa mga sector ng mga lipunan na hindi mabibigyan-pansin dahil sa kakulangan sa pondo, walang sapat na gugulin para sa kailangang mga aklat, silid-aralan at iba pang mahahalagang pasilidad.

Gayunman, inaasahan ni Magsaysay na sa taong ito, ang DepEd ay maglalaan ng mas malaking pondo para sa mga programang pang-edukasyon upang ang sector na ito ay tuluyang makabangon sa naghihirap nitong situwasyon. Kung sa bagay, ang AVE partylist ay laging nagsisikag upang maisulong ang programa tungkol sa karunungan. Katunayan, napagkalooban ng scholarship ang mga mag-aaral sa 112 colleges at state universities sa buong bansa dahil sa pondong mula sa congressional fund ng mga kongresista.

Kaakibat nito, sinisikap din ng AVE partylist na pataasin ang suweldo ng mga guro sa pamamagitan ng House Bill No. 1189. Sa gayon, sila – lalo na ang mga elementary school teachers – ay hindi na mangingibang bansa upang mamasukan bilang mga domestic helpers sa Hongkong, Thailnad, Italis, Saudi Arabia at iba pang mauunlad na bansa. Mananatili na lamang sila rito upang ipagpatuloy ang kanilang misyon sa paggabay at paghubog sa murang isipan ng mga kabataan: isang tungkulin na magiging daan sa pag-unlad ng edukasyon sa bansa.

Sa makatuwid, ang misyong ito ni Magsaysay tungkol sa pagsulong ng edukasyon – sampu ng mabuting resulta ng pagkauhaw ni Pacquiao sa karunungan – ay kailangan tambalan ng gobyerno ng mas maigting na pagsisikap upang ganap na maglaho ang problema sa kamangmangan at karalitaan.
(By Celo Lagmay, "Opinion" BALITA, Pebrero 24, 2007, p.6)